^

Probinsiya

38 ‘wanted’ dakma sa ‘Huli-Week’ ng Calabarzon Police

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtatapos ng Holy week, umabot sa 38 wanted persons ang nalambat ng Calabarzon Police sa isang araw na operasyon sa buong rehiyon.

Sa temang “Huli-Week” ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), nasa 38 katao na pawang mga wanted sa batas ang naaresto sa loob lamang ng 24 na oras na operasyon.

Sinimulan ng Calabarzon Police ang operasyon ng alas-6 ng umaga ng Abril 4 hanggang alas-6 ng umaga ng Abril 5.

Sa ulat sa tanggapan ni PRO-Calabarzon acting regional director PBrig. Gen. Hansel Marantan, 23 na Most Wanted Persons (MWPs) habang 15 sa Other Wanted Persons ang nalambat ng kapulisan sa lalawigan ng Cavite, Laguna, ­Batangas, Rizal at Quezon.

Ang kampanyang “Huli Week” ay isang inis­yatiba na inilunsad ng PNP sa panahon ng Semana Santa upang mas mapabilis ang pag-aresto sa mga akusadong may mga warrant of arrest.

Binigyang-diin ni PBGen. Marantan ang kahalagahan ng nasabing operasyon sa pagpa­panatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng solemnong paggunita Mahal na Araw.

“Habang ginugunita natin ang Mahal na Araw, patuloy ang ating pagsisikap na panatilihing ligtas ang ating mga komunidad. Ang ‘Huli Week’ ay patunay ng ating determinasyon na papanagutin ang mga lumalabag sa batas,” pahayag ni PBGen. Marantan.
 

MWP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with