^

Probinsiya

Motor nag-dive sa bangin, rider patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MAUBAN, Quezon, Philippines —- Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang lasing na welder matapos na mag-dive sa bangin ang minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Polo ng bayang­ ito, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinila na si alyas “Ryan”, 40-anyos, may-asawa at residente ng Barangay San Isidro, Mauban, Quezon.

Base sa imbestigas­yon ng Mauban Police, bandang alas-5:45 ng umaga ay katatapos lamang ng biktima na makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan at kaagad na pinasibad ang kanyang RS Honda motorcycle kahit na siya ay lasing na lasing.

Habang binabagtas umano ng biktima ang pakurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan siya ng kontrol sa manibela kung kaya’t bumangga sa barikada hanggang sa tuluyang nahulog sa bangin.

Nagtulung-tulong ang mga residente at mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na iahon sa bangin ang biktima at mabilis na isinugod sa Mauban District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with