Bebot kinatay sa selos ng ex-dyowa!

PARACALE, Camarines Norte, Philippines - Dead-on-arrival sa ospital ang isang babae matapos na saksakin ng kanyang dating kinakasama dahil sa matinding selos sa Sta. Rosa St., Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Malalim na saksak sa katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang kinilalang si “Edna”, dalaga, residente ng naturang lugar habang nahaharap sa kasong murder ang nakakulong nang suspek na si Roel.
Sa ulat, mag-aalas-5 nang hapon nakita umanong kinompronta ng suspek ang biktima sa tabi ng kalye hinggil sa naging desisyon nitong makipaghiwalay na sa lalaki. Doon ay tinangka pa umanong saktan nito ang biktima.
Dala marahil ng posibleng matinding selos at kalasingan, bumunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang dating kinakasama na duguang humandusay sa tabi ng kalye.
Mabilis siyang isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay. Tumakas ang salarin pero dahil sa mabilis na aksyon at pagtugis ng Paracale Police ay nahuli rin kinaumagahan. (
- Latest
























