Bebot nasakote sa higit P360K shabu
CAVITE , Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang babae na kasama sa High Value Individual List ng pulisya makaraang makuhanan ng nasa mahigit P360,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. San Manuel, Dasmariñas City, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa Provincial Drug Enforcement Unit Cavite PPO, naglatag sila ng buy-bust laban sa suspek dakong alas-8 ng gabi kasama ang mga operatiba ng Cavite Provincial Police Office at Dasmariñas Police.
Isang pulis ang umaktong buyer at nakipag-transact sa babaeng drug pusher.
Habang isinasagawa ang abutan ng droga at bayad, dito na pinaligiran ng grupo at inaresto ang suspek.
Nakumpiska sa babae ang tatlong selyadong plastic sachet na may lamang 53 gramo ng shabu na aabot sa halagang P360,400.002.
Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest





















