^

Probinsiya

Aplikasyon para sa iskolar ng Morong, Bataan bukas na

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas na ang aplikasyon para mga estudyanteng “Iskolar ng Morong” para sa mga upcoming first year at ongoing students sa kolehiyo na nais maging be­neficiary ng educational assistance program.

Sa pamamagitan ng Municipal Resolution No. 97 series of 2026, tatanggap ng financial assistance ang mga mag- aaral na makakatulong sa kanilang mga magulang at upang mas maging masigasig sa kanilang pag-aaral.

Inaasahan na aabot sa mahigit 1,500 mag-aaral ang mabibigyan ng financial assistance, mas mataas na bilang kung ikukumpara sa nagdaang taon.

Ayon kay Municipal Mayor Leila Linao-Muñoz, dapat ituring ang edukasyon bilang pundasyon ng kanilang magandang kinabukasan upang ma­kabuo ng isang komunidad ng mga iskolar na may disiplina at dedikasyon sa pagtatapos ng kani kanilang mga kurso.

Nagpaalala naman si Konsehal Kathyleen Vicedo, bilang chairman ng Committee on Education sa mga iskolar na ang tulong na ito ay puhunan para sa kanilang tagumpay.

Nagpahayag din ng suporta sa scholarship program si Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD, at Sangguniang Bayan members na sina Jomar Castro, James Castro, August Czar Millares, Ricky Paguio, Ruben Pastelero, Shirly Restum, Hero Santos at Katherine Taba sa layu­ning makatulong sa mga mag-aaral at sa kanilang pamilya.

LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with