^

Probinsiya

2 lalaki patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki patay sa sunog
Fire stock image.
Image by Alexas_Fotos from Pixabay

 

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki kabilang ang isang 74-anyos na matanda ang nasawi matapos na ma-trap sa magkakahiwalay na sunog sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Pangasinan Police, isang 38-anyos na lalaki ang nasunog sa loob ng tahanan nito sa Brgy. Don Pedro sa bayan ng Malasiqui bandang ala-1 ng madaling araw noong Lunes (Marso 23).

Ang mga bumbero ay nagresponde matapos na makatanggap ng report hinggil sa nasabing sunog pero nabigo ng mailigtas ang biktima dahilan masyado ng malaki ang apoy.

Sa isa pang insidente, bandang alas-2 ng umaga nang masunog ang isa pang bahay sa Brgy. Pinayag, Kayapa. Nueva Vizcaya noong Linggo na ikinasawi naman ng isang 74-anyos na lolo kamakailan.

Nabatid na nakalabas na ang matanda, pero ayon sa misis nito ay bumalik itong muli sa loob para isalba ang ilan pa nilang mga kagamitan pero tuluyan na itong nakulong ng apoy  na siya nitong ikinamatay.

APOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with