^

Probinsiya

Misis tinarakan ni mister, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na babae matapos na umano’y tarakan sa dibdib ng live-in partner nito sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa kanilang tahanan sa Brgy. Tangub, Bacolod City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Bacolod City Police, ang biktima ay nagtamo ng dalawang malalim na saksak sa dibdib at binawian ng buhay habang ginagamot sa pagamutan.

Arestado naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang live-in partner nito na isang 39 anyos na umano’y miyembro ng banda.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente nitong linggo sa tahanan ng maglive-in partner sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng mga kapitbahay, narinig pa nila ang pagtatalo ng maglive-in partner bago ang insidente pero hindi sila nakialam sa away na hindi nila inaasahang hahantong sa malagim na krimen.

Sa presinto, sinabi ng suspect na kararating lamang umano niya sa kanilang tahanan nang magkaroon sila ng pagtatalo ng kaniyang live in partner.

Itinanggi naman nito na pinatay niya ang live in partner na sinabing ang biktima ang sumaksak sa kaniyang sarili pero duda dito ang mga awtoridad at maging ang pamilya ng nasabing babae ay hindi naniniwalang nagsaksak ng dalawang beses sa dibdib na kanyang ikinamatay.

BACOLOD CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with