^

Probinsiya

Radio announcer sa Negros, itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Radio announcer sa Negros, itinumba!
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Julito “Jaz” Diamante Calo, 49 anyos, residente ng Brgy. Robles, La Castellana.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang isang radio announcer matapos na pagbabarilin sa bayan ng La Castellana, Neg­ros Occidental ­nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Julito “Jaz” Diamante Calo, 49 anyos, residente ng Brgy. Robles, La Castellana.

Si Calo, host ng “Waswasanay sa Quinto District” program na inieere sa 88.3 DNN News FM na nakabase sa Himamaylan City.

Sa ulat ng Negros Occidental Police, naganap ang pamamaslang sa biktima sa Sitio Lapak Kawayanan, Brgy. Robles, La Castellana ng lalawigang ito bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya ang biktima ay nakatayo sa labas ng kanyang tahanan sa tabi ng highway nang biglang sumulpot sa lugar ang isang kulay puting SUV na galing sa direksyon ng La Carlota City.

Huminto sa tapat ng biktima ang behikulo at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ng lulan nito na unang pinaputukan sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay duguang bumulagta habang ang salarin ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng kabisera ng La Castellana.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy ang motibo sa krimen at madakip ang mga salarin.

RADIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with