^

Probinsiya

87-anyos pinasok, ninakawan ng ‘misis’ at 18-anyos kasabwat

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
87-anyos pinasok, ninakawan ng ‘misis’ at 18-anyos kasabwat
Ang naarestong 39-anyos na ginang at 18-anyos na lalaking kasabwat makaraan umano nilang pasukin at pagnakawan ang mismong kinakasa- ma ng una na isang 87-anyos na lolo sa tahanan nito sa Brgy. San Roque, Naic, Cavite kahapon.
Cristina Go Timbang

CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawa katao kabilang ang isang babae na kinakasama mismo ng 87-anyos na lolo na siyang nagplano upang pagnakawan ang huli, kahapon sa bayan ng Naic, dito sa lalawigan.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Rose”, 39 anyos, live-in partner ng biktima at “Ben”, 18-anyos.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Police Provincial Office director Col Ariel Red, alas-9:45 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng biktima na kinilalang si Tatay Domeng, 87-anyos, residente ng Brgy. San Roque, Naic Cavite.

Sa main door mismo ng bahay pumasok ang dalawa, at nang makita si Tatay Domeng, agad na tinutukan ng patalim at kinuha ang suot na kwintas, singsing, at relo nito na nasa P100,000 ang halaga.

Matapos na makulimbat ang pakay, mabilis na tumakas ang mga suspek. Dito na agad nagtungo sa kanilang Barangay ang biktima na sinamahan sa pulisya.

Agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya at naaresto ang mga suspek. Narekober sa dalawa ang mga ninakaw na alahas sa biktima.

ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with