^

Probinsiya

Lalaki itinumba ng tandem, babaeng ‘saksi’ binaril din

Cristina Go Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Lalaki itinumba ng tandem, babaeng ‘saksi’ binaril din
Kinilala lang ang nasawing biktima sa pa­ngalang Rod, nasa hustong gulang, at residente ng naturang village.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaki makaraang barilin sa ulo ng dalawang armado habang naglalakad, kamakalawa ng hapon sa Tropical Village, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Kinilala lang ang nasawing biktima sa pa­ngalang Rod, nasa hustong gulang, at residente ng naturang village.

Sugatan naman makaraang magtamo ng tama ng bala sa balikat ang isang babae na sinasabing “saksi” sa pamamaril.

Natukoy ng General Trias City Police ang dalawang lalaking suspek sa mga alyas na “Wewe” at “John”.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, ala-1:12 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang lalaki na armado at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang una.

Isang babae na nakatayo sa lugar ang pinaputukan din ng mga suspek na tinamaan sa kaliwang balikat bago sila mabilis na nagsitakas.

Gayunman, nagkaroon ng twist sa insidente sa isinagawang follow-up investigation ng pulisya.

Napag-alaman ng mga pulis sa ilang residente ng lugar na ang nabaril na babae ay kinakasama umano ng isa sa mga suspek na si Wewe.

Bunsod nito, masu­sing sinisiyasat ng pulisya ang posibilidad na kasabwat ng mga suspek ang babae dahil kinilala rin ng mga residente rito na karelasyon umano niya si Wewe.

Ayon sa pulisya, tumayo umanong lookout ang nasabing babae upang mapatay ang biktimang si Rod.

Sa kabila nito, palaisipan sa pulisya kung bakit maging ang babae ay binaril ng dalawang suspek.

Sa kasalukuyan, hawak ng pulisya ang babae at patuloy na iniimbestigahan habang nagkasa na ng hot pursuit operation laban sa dalawang suspek.

ROD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with