^

Probinsiya

Konsehal, itinumba ng 2 armado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan at napaslang ang isang municipal councilor ng dalawang mga armadong kalalakihan sa naganap na karahasan sa huling araw ng Ramadan sa bayan ng Paglat, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules.

Sa ulat ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Director P/Brig. Gen. Jaysen de Guzman, kinilala ang nasawing biktima na si Samuan Kitalok, konsehal sa bayan ng Paglat. 

Sa isang press statement kinondena naman ng PRO-BAR ang insidente kasabay ng paniniyak na bibigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima. 

“This heinous act is a grave violation of the law and a direct affront to the dignity and safety of public officials and the communities they serve. PRO BAR remains steadfast in its commitment to protect our communities and ensure that no act of violence goes unpunished,” saad ni de Guzman.

Batay sa imbestigasyon, pinagbabaril ng mga armadong salarin ang biktima sa harapan ng tahanan nito sa Brgy. Poblacion, Paglat ng lalawigang ito nitong Miyerkules .

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga salarin na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar pagkaraang duguang bumulagta ang biktima na dead on the spot sa insidente.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen upang matukoy at masakote ang mga salarin.

RAMADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with