^

Probinsiya

Major ng Philippines Marines salpok sa poste, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang opis­yal ng Philippine Marines makaraang aksidenteng sumalpok sa poste ng kuryente sa tabi ng highway ang sinasakyan nitong motorsiklo sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte nitong Sabado, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Major Noel Anthony Muños Mana-ay, 41 taong gulang, naka­talaga sa 4th Marine Brigade na nakabase sa Burgos, Ilocos Norte at taga Imus City, Cavite.

Sa report ng Ilocos Norte Police, kasaluku­yang minamaneho ng biktima ang kanyang kulay puting Kawasaki ER400D motorcycle nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo ng biktima ang pakurbadang daan sa nasabing lugar nang mawalan ng kontrol sa manibela ang naturang opisyal at tuluy-tuloy na sumalpok sa poste ng kuryente bunsod upang siya ay tumilapon sa kalsada.

Nagtamo ang biktima ng matinding sugat sa kanyang katawan na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklara nang dead-on-arrival.

MARINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with