^

Probinsiya

295 granada ng terorista nasamsam  

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
295 granada ng terorista nasamsam     
Nasa kustodiya na ng 55th Infantry Battalion ang 295 na granada na natag­puan ng mga tropa sa Barangay Piagolongan sa Marogong, Lanao del Sur.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam nitong Huwebes ng mga tropa ng 55th Infantry Battalion ang 295 na mga fragmentation grenades na naiwan ng mga miyembro ng nabuwag ng Dawlah Islamiya sa kanilang dating kuta sa Barangay Piagolongan sa Marogong, Lanao del Sur. 

Magkahiwalay na kinumpirma nitong Huwebes nila Lt. Gen. Donald Gumiran, commander ng Western Mindanao Command, at ng namumuno ng 1st Infantry Division, si Major Gen.Yegor Rey Barroquillo Jr., na nasa kustodiya ng mga Army ordnance experts ang 295 na mga granadang natagpuan ng mga nagpapatrolyang mga sundalong mula sa 55th IB sa isang lugar sa Barangay Pia­golongan na dating pinagtataguan ng mga Dawlah Islamiya terrorists.

Ayon kay Gumiran, mga Maranao traditional leaders at local executives, kabilang sa kanila si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., at mga residente ng Marogong ang nagturo sa mga officials ng 55th IB, na sakop ng 103rd Infantry Brigade, ng eksaktong kinaroroonan ng makeshift shelter kung saan nakaimbak ang 295 na mga granada.

Nagpapatuloy naman ang opensiba ng tropang gobyerno para malipol ang nalalabi pang teroristang grupo sa lalawigan at mga karatig nitong lugar.

GRANADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with