^

Probinsiya

1-anyos natagpuang patay sa ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
1-anyos natagpuang patay sa ilog
Lokasyon na Lucena
Wikimedia Commons

Biglang nawala habang naglalaro

LUCENA CITY, Philippines — Wala nang buhay at palutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang 1-taong gulang at 7- buwan na batang babae matapos na maiulat na nawawala kamakalawa sa Barangay Bocohan sa lungsod na ito.

Ayon sa kay PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police ng Lucena City Police Station, nadiskubre ang katawan ng biktimang si Trisha na nakalutang sa ilog sa Purok 1, sa nasabing barangay bandang alas-8:20 ng gabi kamakalawa.

Batay sa imbestigasyon, iniulat na nawawala ang bata bandang alas-10:00 ng Linggo ng gabi.

Huling nakita ang biktima alas-8:00 ng umaga ng parehong araw na naglalaro sa labas ng kanilang bahay, pero bigla na lamang umanong nawala.

Habang nagpapatuloy ang paghahanap ng pamilya at mga residente, isang kamag-anak ng bata ang nakakita sa katawan nito na nakalutang na sa ilog. Nakasuot pa rin umano ang bata ng berdeng damit nang matagpuan na suot nito bago siya nawala.

Nakita rin ang laruan ng bata na malayo sa lugar na kinatagpuan sa labi nito.

Ayon pa sa mga kaanak ng biktima, malayo sa kanila ang lugar at ilog kaya nagtataka sila kung paano nakarating doon ang bata.

LUCENA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with