^

Probinsiya

Fetus, narekober sa basurahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Fetus, narekober sa basurahan
Sa report ng Caga­yan de Oro City Police ang fetus ay natagpuan sa basurahan makaraan ang dalawang araw sa isang apartment sa nasabing lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang tinatayang 7 buwang fetus ang natagpuang itinapon sa basurahan sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Caga­yan de Oro City Police ang fetus ay natagpuan sa basurahan makaraan ang dalawang araw sa isang apartment sa nasabing lugar.

Isang concerned citizen ang nagulat sa pagkakadiskubre sa nasabing fetus kaya mabilis na inireport sa pulisya ang insidente.

Nagresponde naman ang mga pulis at nare­kober ang nasabing fetus na dinala ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development sa simbahan para mabendisyunan bago ilibing.

Ang fetus na hindi pa matukoy ang kasarian ay inilagay sa isang transparent na garapon saka itinapon sa naturang basurahan .

Nagulantang ang nasabing concerned citizen ng pagbukas nito ng basurahan para magtapon ng basura ay nakita ang isang garapon na may fetus sa loob.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang responsable sa pagtatapon sa nasabing fetus.

CAGAYAN DE ORO CITY

FETUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with