^

Probinsiya

Estudyante binurdahan ng saksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binurdahan ng saksak ang isang 25-anyos na estudyante ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng San Pedro, Laguna nitong Martes.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Jeymer, nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Laguna Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente nitong Martes ng umaga sa nasabing bayan.

Kasalukuyang nasa bisinidad ng nasabing lugar ang biktima nang bigla na lamang itong undayan ng sunud-sunod na saksak ng salarin.

Isang motorista ang napadaan sa lugar at nakita ang biktima na duguang humihingi ng tulong habang mabilis namang tumakas ang nabulabog na suspect palayo sa crime scene.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang nasabing estudyante, pero bigo nang masagip ang buhay nito.

Isinalarawan naman ang suspect na nasa pagitan ng 30-40 anyos; nasa 5’5 hanggang 5’8 ang taas, nakasuot ng long sleeve, puting short, at blonde ang kulay ng buhok.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad sa suspect upang mapanagot ito sa krimen.

LAGUNA

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with