^

Probinsiya

EO sa pagtitipid, ipinatupad sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
EO sa pagtitipid, ipinatupad sa Quezon
A gas station attendant fills up cars at a station in Paco, Manila on January 12, 2026.
STAR / Edd Gumban

Dahil sa kakapusan ng petrolyo

LUCENA CITY, Philippines — Bilang agarang tugon sa pagkaantala ng pandaigdigang suplay ng gasolina at patuloy na pagtaas ng presyo dahil sa tensyon sa Middle East na direktang nakakaapekto sa halaga ng gasolina at serbisyo publiko sa Pilipinas, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Executive Order No. DHT-08, Series of 2026 ay magpapatupad ng kautusan sa pagtitipid ng konsumo ng gasolina upang masiguro ang episyenteng paggamit nito at tuluy-tuloy na serbisyo publiko.

Sumasaklaw ito sa lahat ng departamento, tanggapan, at unit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, pati na ang lahat ng government-owned na sasakyan, mabibigat na kagamitan, at makinang gumagamit ng gasolina.

Ang mga mahahalagang serbisyo tulad ng ambulansya, emergency response, at operasyon sa kalamidad ay magpapatuloy habang isinasagawa ang makatuwirang mga hakbang sa pagtitipid.

Nakasaad sa kautusan ang pagtitiyak ng episyenteng paggamit ng sasakyan sa pamamagitan ng vehicle pooling at trip scheduling at uunahin ang mga mahahalagang opisyal na biyahe.

Ang mga sasakyan ay ilalaan batay sa pinakamainam na rami ng mga pasahero para hindi masayang ang puwesto; himukin ang virtual meeting kung maaari; bawasan ang mga hindi kinakailangang pag-biyahe, lalo na ang biyahe palabas ng lalawigan; pagsama-samahin ang mga gawain sa labas ng opisina upang mabawasan ang paglalakbay; panatilihin ang regular na preventive maintenance ng mga sasakyan at kagamitan upang mapabuti ang kahusayan sa konsumo ng gasolina at ang mga sasakyang hindi episyente sa mekanikal ay ipagpapahinto hanggang sa maayos.

GASOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with