^

Probinsiya

Trader, driver at kasambahay minasaker!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trader, driver at kasambahay minasaker!
Kinilala ng pulisya ang mga biktima ng masaker na sina Romulo ­Sangalang, businessman ng Mabalacat, ­Pampanga; Theodore Sangalang, driver, nasa hustong gulang, ng Guimba, Nueva Ecija at kasambahay na si Rose Yuson, residente ng Brgy. Baloc, Sto. Domingo ng nasabing ring lalawigan.
STAR/ File

Quarters inatake ng mga armado

MANILA, Philippines —  Patay ang isang ­82-anyos na negosyante matapos na bigtiin ng alambre at pagbabarilin habang sinaksak at tadtad din ng bala sa katawan ang driver nito at babaeng kasambahay matapos na umatake ang armadong grupo sa kanilang quarters sa Brgy. Baloc, Sto. Domingo, ­Nueva Ecija nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima ng masaker na sina Romulo ­Sangalang, businessman ng Mabalacat, ­Pampanga; Theodore Sangalang, driver, nasa hustong gulang, ng Guimba, Nueva Ecija at kasambahay na si Rose Yuson, residente ng Brgy. Baloc, Sto. Domingo ng nasabing ring lalawigan.

Sa report ng Nueva Ecija Police, dalawa sa mga biktima ay natagpuan sa labas ng container van na nagsisilbing quarters ng mga manggagawa habang nakita si Yuson sa loob ng container van sa ibaba ng kama nito, at pawang mga wala nang buhay.

Sa ulat ni PMaj. Melchor T. Pereja, hepe ng Sto Domingo, nadatnan ng mga pulis ang negosyanteng si ­Sangalang na nakatali ng alambre ang leeg at paa, habang ang kaanak na nagsisilbi niyang driver ay nakagapos ang mga kamay, may tama ng bala ng baril sa ulo, katawan at may nakatusok na kutsilyo sa batok, habang may mga tama rin ng bala sa katawan si Yuson sa loob ng container van na nagsisilbing quarters o tinutulugan nito.

Ang bangkay ng tatlo ay nadiskubre ng isang helper ng nasabing negosyante na kinilala lamang sa pangalang Freddie.

Ayon sa pulisya, nagkalat din ang mga dokumento sa loob ng container van nang dumating ang mga awtoridad.

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na puwersahang winasak ang lock ng pintuan ng container van at saka niransak ng mga salarin ang mga cabinet sa loob nito at naghalughog.

Narekober ng pulisya ang mga basyo ng cal. 45 caliber revolver at 9mm pistol na ginamit sa krimen.

ROMULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with