‘Blooming Through Time’ tampok sa ika-30 ‘Panagbenga’
BAGUIO CITY, Philippines — Isang makasaysayang pagtatanghal ang inilunsad sa ika-30 edisyon ng Baguio Flower Festival o “Panagbenga” kahpon matapos itanghal sa kauna-unahang pagkakataon ang isang moving dioramasa Grand Street Dance Parade, na ginawang entablado ng alaala at kahulugan ang mga pangunahing lansangan ng lungsod.
Sa gitna ng makukulay na bulaklak at dagundong ng tambol, pansamantalang nagbalik-tanaw ang pista sa pinagmulan nito.
Tampok sa produksyong “The Panagbenga Eras” ang Baguio bago ang 1990—ang Summer Capitalkung saan namamangka ang mga pamilya sa Burnham Park at dinarayo ang mga paradasa Session Road—kasabay ng pagbibigay-pugay sa tradisyong Cordilleran tulad ngpaghahabi, pag-ukit at mga ritwal na sayaw at awit. Nagbago ang himig ng palabas nang isadula ang lindol noong Hulyo16, 1990 na yumanig sa Northern Luzon. Ipinakita ang pagguho ng mga gusali atpagkabitak ng mga kalsada, bilang pag-alala sa 7.8 magnitude na trahedya.
Mula sa guho ay muling bumangon ang lungsod—isang makapangyarihang pahayag na hindinasupil ang diwa ng Baguio.
Limang taon matapos ang sakuna, inilunsad nina abogado Damaso Bangaoet Jr. at ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. ang Panagbenga upang pasiglahin ang ekonomiya at buhayin ang pag-asa.
Mula sa simpleng inisyatiba ng pagbangon, lumago ito bilang isa sa pinakatanyag na pagdiriwang sa bansa, at nagbunga ngpagkilala sa Baguio bilang UNESCO Creative City of Crafts and Folk Art noong2017.Sa temang “Blooming Without End,” nagbigay-buhay ang mga drum at lyre corps at street dance group mula saiba’t ibang bahagi ng Northern Luzon sa diwa ng pagkakaisa at pagkakakilanlan.
- Latest



















