6-anyos nasapul sa ulo, todas
Mag-ama pinagbabaril ng Ex-Konsehal
CAVITE , Philippines — Patay ang isang 6 anyos na batang lalaki makaraang masapul ng bala sa ulo habang sugatan ang ama nito mula sa isang lasing na dating konsehal na suspek, pinagbabaril ang mag-ama habang sakay ng motorsiklo at papauwi na sana, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ulat sa Silang Cavite.
Bandang alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa mag-ama na kinilalang sina alyas Ruel, 35, may asawa at anak nitong si alyas RL, 6, kapwa residente ng Barangay Pasong Langka, Silang Cavite.
Papauwi na sana ang mga ito, sakay ng motorsiklo galing sa kanilang Barangay Hall sa Brgy. Ulat ng kung saan nagsampa ng reklamo ang mag-ama hinggil sa anak ng Barangay Chief dito na nasangkot sa pananakit sa 6-anyos na biktima.
Nagkaayos ang mga ito at nangakong sasagutin ng Barangay Chief ang gastusin sa pagpapa-CT scan ng batang biktima. Nang papauwi na ang mag-ama sakay ng motor, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang mga ito na kinilala sa alyas Elpidio, 68-anyos, dating konsehal sa Brgy. Ulat na mabilis na tumakas.
Ayon sa pulis, lasing na lasing umano ang suspek nang isagawa ang krimen.
Agad naitakbo sa pagamutan ang mga biktima, subalit binawian agad ito ng buhay.
Kasalukuyang inoobserbahan ang ama nito na nagtamo ng tama ng bala sa kanang balikat.
- Latest





















