Babaeng titser arestado sa child abuse

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang isang babaeng guro matapos itong ireklamo ng child abuse sa isinagawang operasyon sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa ulat.
Sa report ng Dagupan City Police, ang insidente ay inireport sa pulisya nitong Pebrero 25.
Ang guro na hindi tinukoy ang pangalan ng Brgy. Poblacion Oeste ng lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.’
Ang operasyon laban sa abusadong guro ay pinangunahan ng Dagupan City Police Office (DCPO), katuwang ang mga tauhan ng Police Station 4, City Investigation and Detective Management Unit, at City Intelligence Unit.
Itinakda naman ng korte sa P80,000 ang piyansa sa kasong kinakaharap ng nasabing guro.
Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang nasakoteng suspect habang iniimbestigahan ang kasong ito.
- Latest

















