^

Probinsiya

12-anyos itinali sa puno, pinugutan!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 12-anyos na babaeng estud­yante na iniulat na ilang araw nang nawawala matapos na matag­puang naagnas na katawan habang nakatali sa isang puno at pugot ang kanyang ulo sa Brgy. Ibo, Toledo City, ayon sa pulisya kahapon.

Ang biktima na isang Grade 6 pupil ay sinasabing nawawala noon pang Pebrero 11 matapos na mabigong makauwi sa kanilang tahanan makaraang pumasok sa eskuwelahan.

Lumalabas na isang magsasaka ang nakakita sa kalunus-lunos na biktima na ang mga kamay umano nito ay nakatali pa sa puno at pinugutan ng ulo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakumpirma naman na ang natagpuang bangkay ay ang batang biktima na matagal nang pinaghahanap ng kanyang mga kaanak.

Sa follow-up ope­ration, natukoy at ­naaresto ang isang 27-anyos na suspek sa krimen matapos ang isinagawang pagbusisi ng pulisya sa CCTV footage sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at ina­alam kung nagahasa ang biktima.

TOLEDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with