1,500 manggagawa mawawalan ng trabaho
Sa pagsasara ng minahan
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tinatayang mahigit sa 1,500 na manggagawa ng Runruno Gold Project ang nanganganib mawalan ng trabaho matapos ianunsyo ng FCF Minerals Corporation ang pagtatapos ng kanilang operasyon sa Disyembre, 2026.
Ito ay kasunod ng pagsuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Exploration Permit ng Woggle Corporation sa Dupax del Norte na magbibigay sana ng karagdagang gold reserves ng FCF.
Ayon kay FCF Minerals General Manager Lorney Harvey, depleted na ang gold reserves ng Runruno kung kaya’t mapipilitan silang magsara. “Without reserve replacement, operations must end,” pahayag ni Harvey.
Bukod sa pagkawala ng trabaho ay mawawalan din ng kabuhayan ang ilang mga local businesses, mga contractors, suppliers, at transport providers.
- Latest





















