^

Probinsiya

Babaeng rider nakaladkad ng AUV, lasog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON , Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang babaeng rider matapos mabangga at makaladkad ng isang AUV na bumangga pa sa isa pang kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Abuyog, Sorsogon City, dito sa lalawigan, kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang biktimang si Mila, 36-anyos pero idineklarang patay ng mga doktor habang dalawa pa ang sugatan.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga magkasunod na binabagtas ng Euro motorcycle ng biktimang si Mila ang highway patungong Casiguran, at ng Toyota Hilux-FX na minamaneho ni Ron, 44-anyos. Pagdating sa lugar ay bigla umanong kumabig pakaliwa ang sasakyan ni Ron at nabangga ang sinusundang motorsiklo dahilan para makaladkad ito kasama ang rider na si Mila hanggang sa kabilang linya at tumilapon sa putikang sakahan saka sumalpok pa sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni alyas Ricky, 25-anyos.

AUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with