7 menor-de-edad nanloob, 2 motor tinangay
CAVITE, Philippines — Pinasok at tinangay ng 7 menor-de-edad na 9-anyos hanggang 16-anyos ang isang Motor Shop at ninakaw ang 2 motor dito, kamakalawa sa Arnaldo Hiway Sitio Sulucan Brgy Santiago Gen Trias City Cavite.
Natangay ng mga suspek ang 2 motor na TC 150 Macho black na may plate number D3J255, Engine num RF162FMJCS6068437 at 1 MP 125 Smart Blue na wala pang available na plate number at may Chassis number RRAMP125R3119147.
Kinilala ang mga ito sa alyas Jay 16 anyos, Tahniel 13 anyos, alyas Chokoy 11 anyos, Burnok 12 anyos, Kalbo 13 anyos, Junior 9 anyos at Yuri 13 anyos, pawang mga residente ng LRTA, Brgy Santiago Gen Trias City.
Kusang loob na isinuko ng mga magulang ng dalawa sa 7 suspek ang kanilang mga anak na sina alyas Jay at Tahniel sa kanilang Barangay bago dinala sa pulisya at kasalukuyang dinala sa CSWD ng lungsod.
- Latest



















