Lalaking target sa bentahan ng baril utas sa CIDG-Laguna
LAGUNA, Philippines — Patay ang isang lalaking may bench warrant matapos na maiuwi sa pamamaril ang isinagawang buy-bust operation sa loose firearm sa Barangay Gulod, Cabuyao City nitong Martes ng hapon.
Kinilala ni Lt. Col. Ganaban Ali, Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon regional chief, ang suspek na kinilalang si Paul Hatulan, 48, at agarang namatay habang dinadala sa pinakamalapit na ospital dahil sa tama ng bala sa katawan.
Ayon kay Ali, si Hatulan ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong Robbery na inisyu ni Acting Presiding Judge Louis Acosta, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 36, Calamba City, Laguna na may petsang Enero 27, 2014 na walang inirekomendang piyansa.
Nakuha mula kay Hatulan ang kalibre .45, mga bala at buy-bust marked money na may 24 pirasong tig-P1,000.
Agad namang nagpadala si Ali ng isang investigative team mula sa Regional-CIDG4a upang magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa sinasabing “arms deal” matapos ang mga salungat na pahayag ng ilang residente at pamilya ng suspek na nai-post sa social.
Sinabi ng mga residente na nasaksihan nila ang operasyon kung saan binaril ang lalaki matapos itong tumakbo nang biglang dumating ang mga pulis.
Ayon saksi, nakatayo ang lalaki sa labas, nang unang dumating ang isang itim at puting kotse.
Agad umanong binaril ang lalaki ng mga operation nang walang anumang pagtatalo of pag-uisap.
Sa kabila nito, nanindigan ang CIDG-Laguna na lehitimong police operation ang nangyari at nanlaban ang lalaki.
Dahil dito, nanawagan ang pamilya ng suspek na magsagawa ng masusing imbestigasyon matapos makatanggap ng impormasyon na binura umano ng mga pulis ang CCTV footages ng buong insidente.
Nakuha sa CCTV camera na biglang humandusay ang nasabing lalaki.
- Latest

























