P39.3 milyong puslit na sigarilyo

Idineklarang tuyo at general merchandise…
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P39.3 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo at pinatuyong tabako mula sa Bacolod at Zamboanga, na maling idineklarang pinatuyong isda at pangkalahatang paninda.
Dahil sa isang intelligence information, sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service and Enforcement and Security Service hinggil sa shipment na sinasabing may kontrabando na nagmula sa Bacolod at Zamboanga.
Natukoy ng BOC ang pagsisiyasat nitong Huwebes ang anim na container van ng naglalamang iba’t ibang tatak ng sigarilyo na walang wastong dokumentasyon.
Inbisyuhan na rin ng Warrants of Seizure and Detention (WSDs) sa paglabag sa Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings Law), Republic Act No. 10963 (TRAIN Law), at probisyon sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
- Latest



















