^

Probinsiya

Phivolcs nagbabala sa pagragasa ng lahar sa Mt. Mayon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Legazpi City, Albay - Mahigpit na nagbabala si Philippine Volcanology and Seismology Director Teresito Bacolcol sa publiko sa posibleng pagragasa ng tone-toneladang lahar mula sa naiipong bagong deposito mula sa patuloy na pag-aalboroto ng Mt. Mayon sa Albay na umaabot na sa tinatayang 22.16 milyong kubiko (cuvic meters).

Inilabas ni Director Bacolcol ang ­babala sa ginawang Phivolcs InfoPress Seminar kahapon sa Albay Farmers Bounty Village Auditorium sa Brgy. Cabangan, Camalig upang tulungan ang mga kasapi ng mamamahayag sa lalawigan sa tama, malinaw, napapanahon, at science-based information hinggil sa Mayon Volcano hazards at labanan ang pagkalat ng mga fake at edited na kumakalat na posts sa social media sa totoong nangyayaring aktibidad ng bulkan.

Ang naturang bagong volcanic materials ay ikinumpara niya sa 1.8 milyong 10-wheeler trucks na puno ng bato, abo, at iba pang materyal na ibinuga ng bundok na madaling iragasa patungo sa mga kabahayan sa paanan ng Mayon kung magkaroon nang patuloy na malalakas na pag-uulan. Maliban pa umano ito sa naipong 50-milyong cuvic meters noong 2023 eruption.

Nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan na pinaalalahanan nito ang lahat ng residente lalo na ang nasa labas ng deklaradong danger area na maghanda sa paglikas dahil naroon pa rin ang posibilidad ng “pag-escalate” ng aktibidad nito.

MT. MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with