^

Probinsiya

Kinder nasapol ng bala sa klasrum, todas

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kinder nasapol ng bala sa klasrum, todas
Agad na hinatid ng mga pulis na nagres- ponde ang bang- kay ng batang namatay sa tama ng ligaw na bala upang mailibing din agad batay sa kul- turang Islam.
CTTO

COTABATO CITY – Isang kinder pupil ang nasawi nang tamaan ng ligaw na bala habang nasa loob ng silid-aralan ng Damabalas Elementary School, Datu Piang, Maguindanao del Sur, naganap nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Farhadin Ludtia, 5-anyos, kinder pupil, residente ng kalapit na bayan ng Datu Salibo.

Sa salaysay ng school principal na nakikinig sa kanyang class adviser ang biktima nang biglang nabuwal at dumugo ang ulo ng tamaan ng ligaw na bala na posibleng mula sa Barangay Olandang na noon ay may naglalaban na dalawang grupong Moro.

Dinig na dinig sa Barangay Damabalas kung saan naroon ang paaralang pinapasukan ng nasawing si Ludtia ang palitan ng putok ng mga magkalabang pamilyang Moro sa Barangay Olandang sa bagong tatag na bayan ng Nabalawag na sakop ng Bangsamoro Region, ngunit nasa probinsya ng Cotabato sa sakop ng Region 12.

BANGSAMORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with