^

Probinsiya

Top NPA lider dedo sa engkuwentro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MERCEDES, Camarines Norte , Philippines — Isang mataas na lider ng New Peoples Army sa Bicol ang nasawi nang makaengkwentro ang tropa ng pamahalaan sa bulubunduking lugar sa Brgy. Colasi, Mercedes, Camarines Norte, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing NPA lider na si Roberto Delos Santos Lasanas, na may mga alyas na “Ino, Bogs, at Boing”, residente ng Sorsogon City, secretary ng Sub Regional Committee 1 ng NPA Bicol Regional Party Committee.

Si “Ino” umano ang dating pinuno ng Yunit Gerilya sa lalawigan ng Sorsogon noon na sangkot sa iba’t ibang kasong kriminal na inalok pa ng tropa ng gobyerno na sumuko kapalit ng tulong para sa pagbabagumbuhay pero ilang ulit na tumanggi sa panawagan.

Sa ulat na inilabas ng 9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army sa pangunguna ni Maj. Gen. Alwine Almase, madaling araw nang ikinasa ng 903rd Infantry Brigade na binubuo ng mga sundalo mula sa 903rd Reconnaissance Company katuwang ang 42nd at 81st Infantry Battalion at Camarines Norte Police ang combat operations sa naturang lugar.

Dito ay naengkuwentro nila ang grupo ni Lasanas na tinatayang aabot sa 15 ang bilang na kung saan ay umabot ng halos 15-minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig hanggang bumulagta ang naturang lider dahilan para tumakas ang kanyang mga kasamahan. Hanggang kahapon ay patuloy ang operasyon laban sa mga tumakas na kadre.

BICOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with