^

Probinsiya

Ret. Army colonel todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ret. Army colonel todas sa ambush!
Minamaneho ni retired Army Col. Leonardo Punzalan Songcaya ang kanyang pick-up truck nang siya ay tambangan na kanyang ikinasawi nitong Biyernes sa Matalam, Cotabato.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Agad namatay sa mga tama ng bala ang isang dating Army colonel na aktibo sa iba’t ibang welfare programs para sa mga kapwa retiradong mga sundalo, pulis at mga kawani ng civilian line agencies, sanhi ng ambush sa magulong bayan ng Matalam sa probinsya ng Cotabato nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Sabado ng mga senior officials ng Cotabato Provincial Police Office, minamaneho ng 68-anyos na si Leonardo Punzalan Songcaya, isang retired colonel ng Philippine Army, ang kanyang kulay grey na Nissan Navara pick-up truck, may plakang LAD 5635, nang tambangan ng mga kalalakihang armado ng M16 assault rifles at .45 caliber pistols sa boundary ng Kidama at Barangay Poblacion sa Matalam.

Sa pahayag ni Lt. Col. Arniel Melocotones, Matalam municipal police chief, agad na nakatakas ang mga pumatay kay Songcaya, residente ng Purok Asuzena B, Barangay Poblacion ng naturang bayan.

Sa tala ng pulisya at ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army na sakop ang ilang bayan sa Cotabato, mahigit 10 na ang mga napatay sa magkakatulad na insidente sa Matalam nitong nitong nakalipas lang na ilang buwan na lahat ay walang naging malinaw na kalutasan.

Kinondena ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, chairperson ng multi-sector Cotabato Provincial Peace and Order Council, ang pagkakapatay kay Songcaya, kilalang masigasig na supporter ng mga peacebuilding at community development programs ng provincial government.

Nag-alok na ng P500,000 reward si Matalam Mayor Oscar Valdevieso sa sinumang makakatulong sa pulisya sa pagkilala sa mga responsable sa pagpatay kay Songcaya.

PUNZALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with