^

Probinsiya

Trike nag-dive sa bangin: 7 estudyante, 1 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trike nag-dive sa bangin: 7 estudyante, 1 pa sugatan
Map of Sorsogon.
Google Map.

BULUSAN, Sorsogon, Philippines —  Walo katao ang sugatan kabilang ang pitong estudyante matapos tumalon ang tricycle na kanilang sinasakyan sa bangin sa gilid ng highway sa Brgy.Tinampo, Bulusan, Sorsogon kama­kalawa ng umaga.

Agad naisugod ng mga rumespondeng residente ang lahat ng sugatan sa Irosin District Hospital kasama na ang drayber ng tricycle na si Miyo, 38-anyos, pawang residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, binabagtas ng tricycle ang kahabaan ng highway patungong national high school sa Brgy. Madlawon nang pagdating sa lugar ay pumalya ang preno at nawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho nitong tricycle dahilan para mahulog ito sa bangin sa tabi ng kalsada.

Mabilis namang nasaklolohan ng mga res­ponders at naisugod lahat ang mga biktima sa pagamutan.

BULUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with