^

Probinsiya

2 trike driver nagdwelo dahil sa P5K na utang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang tricycle driver nang saksakin ng kutsilyo ng kaalitan din driver dahil sa utang sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal, Huwebes ng madaling araw.

Agaw-eksena sa mga motorista at nakunan ng video ang paggigirian ng isang 51-anyos na biktima at suspek na 41-anyos, kapwa miyembro ng Armed Forces of the Philippines Mutual Opportunity Tricycle Operators and Drivers Association.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong alas-12:00 ng madaling araw ng Pebrero 5 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Provincial Road, ng Brgy. San Jose.

Lumabas sa imbestigasyon na ang suspek ay nani­ningil ng P5,000 sa biktima bilang hulog sa boundary para sa ipinapasadang tricycle subalit hindi tinupad ng suspek.

Nang makita ng suspek na namamasada ang biktima ay hinarang niya ito sa kalye, na nauwi sa komprontasyon habang may kutsilyo sa kamay ang suspek at kumuha na rin ng tubo ang biktima.

Dumating naman ang mga pulis at tanod na nagpapatrolya sa lugar upang payapain sila ngunit ang biktima ay may tama na ng saksak na halos ikaputol ng isang daliri sa kamay.

“Sa ating intensification sa ating police visibility, ‘yang Oplan Sita at implementation ng curfew, nape-preempt natin ‘yung occurrence ng crime. Kung hindi agad naaktuhan, baka mas mapasama o mas matindi pa ‘yung kahinatnan nung biktima,” sabi ni Police Lt. Col. Mark Henry Garcia, Acting Chief of Police ng Antipolo Component City Police Station.

Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na nakakulong sa custodial facility ng Antipolo CCPS habang maayos na ang lagay ng biktima matapos lapatan ng lunas sa ospital.

OPLAN SITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with