Mt. Mayon nagbuga ng asupre

Legazpi City, Albay, Philippines — Eksakto isang buwan matapos itaas sa alert level 3 ang aktibidad ng Mt. Mayon sa Albay ay nagbuga ito kahapon ng 6,569 tonelada bawat araw ng asupre na itinuturing ng Philippine Volcanology and Seismology na pinakamalaki sa loob ng 15-taon.
Ayon kay Doreen Abilende, OIC ng Phivolcs Ligñon Hill Observatory Station sa Legazpi City, nakapagtala rin sila sa loob ng 24 oras na obserbasyon ng 369 rockfall events, 31 volcanic earthquakes, pagbuga ng lava dome, at lava flow habang patuloy na namamaga ang katawan ng bulkan.
Mahigpit na nagbabala si Abilende sa posibleng paglakas ng lava fountaining at pag-agos ng lava at rockfall events. Hindi rin inaalis ang posibilidad ng biglaang pagkakaroon ng katamtamang lakas ng pagputok ng bulkan at ang posibilidad na itaas nila ito sa alert level 4.
- Latest





















