^

Probinsiya

Babae kinatay ng adik na kapitbahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Cebu, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang 39-anyos na ginang matapos itong pagtatagain ng kaniyang kapitbahay na pinaniniwalaang lango sa droga sa malagim na krimen sa Brgy. Punay, Alonguinsan, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang nasawing ginang na si Myrna Yuson, nagtamo ng mga taga sa iba‘t ibang bahagi ng katawan na siyang dagliang kumitil sa buhay nito. Ang suspect ay nakilala namang si Josely Alcontin. Abueme, 43 taong gulang.

Sa ulat ng Cebu Police, kasalukuyang kinukunan ng biktima ng larawan ang mga kabahayan sa kanilang lugar para makakuha ng ayuda sa nakalipas na bagyong Tino na nagdulot ng matinding pinsala sa lalawigan.

Bigla na lamang dumating sa lugar ang suspect na may dalang matalim na itak na tinanong pa umano ang ginang kung nasaan ang matandang babaeng ina ng biktima at ng sabihin niyang hindi niya alam ay bigla na lamang itong tinaga sa binti.

Nagawa namang makatakbo ng biktima, pero hinabol ito ng suspect at pinagtataga ng sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta sa insidente at bawian ng buhay.

Ang suspect ay mabilis na tumakas na nasakote naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya sa hot pursuit operations.

Sa rekord ang suspect ay isang dating drug surrenderee, pero nang makalaya, sa halip na magbago ay nagpatuloy sa paggamit ng illegal na droga. Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang suspect na nahaharap sa kasong kriminal.

ALONGUINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with