^

Probinsiya

Lalaki inutas ng kapitbahay sa road rage!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaki inutas ng kapitbahay sa road rage!
Sa imbestigasyon, alas-6:30 ng gabi ng magkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek ng dahil sa parking na nauwi pa sa suntukan ng dalawa.
STAR? File

Dahil sa parking

CAVITE Philippines —  Patay ang isang lalaki matapos pag­hahatawin ng baril at paputukan ng kanyang kapitbahay dahil sa alitan sa parking sa panibago na namang insidente ng road rage kamakalawa sa Brgy. Sapa,Rosario, dito sa lalawigan. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Rey”, residente ng Callejon 5, Brgy. Sapa 2, ng nasabing bayan. Tumakas naman ang suspek na si alyas “Mar”, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, alas-6:30 ng gabi ng magkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek ng dahil sa parking na nauwi pa sa suntukan ng dalawa.

Umalis umano ang suspek at umuwi pero pagbalik ay armado na ng maiksing baril. Nilapitan nito ang biktima at hinataw ng baril sa mukha bago binaril. Bago tumakas ang suspek, muli pa nitong hinataw ng baril sa mukha ang biktima kahit na duguang nakahandusay na.

Ang insidente ay nasaksihan ng ama mismo ng biktima na mabilis na humingi ng tulong at itinakbo sa pagamutan ang anak pero idineklarang patay.

MAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with