^

Probinsiya

Pulis dedo sa karambola ng 6 sasakyan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis dedo sa karambola ng 6 sasakyan
Kinilala ang nasawi na si Police Executive Master Sergeant Antonio Sando, miyembro ng Highway Patrol Group sa Region 7, na nakatakda na sanang magretiro ngayong taon. Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang iba pang sugatan.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa kaniyang pagreretiro ang isang pulis matapos masawi habang marami pa ang nasugatan sa karambola ng anim na behikulo sa national highway ng Brgy. Inoburan, Naga City, Cebu kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Police Executive Master Sergeant Antonio Sando, miyembro ng Highway Patrol Group sa Region 7, na nakatakda na sanang magretiro ngayong taon. Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang iba pang sugatan.

Sa report ng Naga City, Police, nangyari ang karambola ng mga sasakyan bandang alas-7:45 ng umaga sa national highway ng nasabing lugar na kinasasangkutan ng isang kulay dilaw na Ceres bus, isang Honda City Sedan, isang Toyota Innova, isang Mitsubishi Mirage Sedan, dalawang motorsiklo, isa rito ay Kawasaki motorcycle na pag-aari ng nasabing pulis, sa bahagi ng southbound lane ng highway sa Brgy. Inoburan ng lungsod.

Nag-ugat ang karambola matapos na bigla na lamang umanong huminto ang Mitsubishi Mirage habang bumabagtas sa highway at tinangka naman ng Honda City Sedan na magpreno pero sumalpok ito sa hulihang bahagi ng Mirage bunsod upang magbanggan ang Toyota Innova at mga kasunod na behikulo.

Kasunod rin nito ang Ceres bus na minamaneho ni Junrel Villamor Cavalida pero sa kamalasan ay nahagip nito ang dalawang motorsiklo kabilang ang sinasakyan ni Sando at isa pang motorsiklo na isang Yamaha Aerox 155, gayundin ang iba pang behikulo.

NAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with