Rider na tinakasan ang dalawang holdaper, binarily
MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang rider nang barilin ito sa leeg ng dalawang holdaper, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Alto, Calamba City, Laguna.
Kinilala ng pulisya ang biktima si alyas “JP”, nasa hustong gulang, residente ng Laguna.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan ay huli na sanang biyahe ng biktima para umuwi nang magpa-book ang isang alyas “Lea”.
Bumabaybay ang biktima sa nasabing lugar upang sunduin ang customer na si alyas “Lea” at nang dumating sa lugar at huminto para hintayin ang huli ay dumating ang isang motorsiklo na lulan ang dalawang suspek.
Bumaba ang angkas at paglapit sa biktima ay nagdeklara ito ng holdap, subalit tumakbo ito kaya’t binaril siya ng mga suspek na tinamaan sa likurang bahagi ng leeg.
Nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tao doon at dinala sa ospital.
Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya laban sa dalawang suspek.
- Latest


















