^

Probinsiya

7 akusado sa missing sabungeros, inilipat na ng kulungan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni Hon. Mary Jean Cajandab-Ong, Presiding Judge, Regional Trial Court-4th Judicial Region, Branch 26, ang PNP-CIDG4-Calabarzon sa pangunguna ni Lt. Col. Ganaban Ali, Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon regional director na ihatid ang pitong akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa Sta.Cruz District Jail sa ilalim ng Department of Jail and Management Penology sa Sta Cruz, Laguna, alinsunod sa Commitment Order.

Ayon kay Lt. Col Ali, ang pitong akusado ay kinilalang sina Rogelio Borican Jr.; Jezrel Lazarte Mahilum; Mark Carlo Evangelista Zabala; Rodelo Antipuesto Anig-ig; Emman Cayunda; Falle, Julius Tagalog Gumolon; at Ronquillo Pacot Anding ay hinatid na sa kanilang mga selda.

Ang mga akusado ay pawang mga tauhan ng sabong na pag-aari ng umano’y mastermind na negosyanteng si Charlie Atong Ang na sangkot sa pagkidnap, pagdukot, at pagpatay sa mga nawawalang sabungero na umano ay pinatay at itinapon sa Taal Lake sa Batangas.

Ang natitirang sampung akusado na tauhan ng PNP na natanggal sa serbisyo ng PNP ay nananatili sa kustodiya ng PNP para sa paghihintay ng commitment order mula sa korte.

SABUNGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with