^

Probinsiya

Ama inutas ng anak sa inuman

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Patay ang isang ama nang saksakin ng sari­ling anak habang sugatan ang isa pang anak na  nagtangkang umawat sa loob ng kanilang barracks sa San Mateo, Rizal, Sabado ng gabi.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, namatay habang ginagamot ang biktimang construction worker sa Ynares Memorial Hospital.

Arestado naman ang anak na lalaki ng biktima matapos pormal na sampahan ng reklamo ng kanyang kapatid, na kasama rin bilang construction worker, dahil sa pagpatay sa kanilang ama.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng construction barracks, sa Timberland Heights, Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal. Habang nasa loob umano ng barracks ang ama at isang anak ay nagkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo na pawang nakainom na ng alak.

Nakita ng isa pang anak ng biktima ang kapatid na may hawak ng patalim at pinagsasaksak ng ilang ulit ang kanilang ama kaya inawat niya ito. Ayaw magpapigil at itinulak pa siya nito hanggang sa bumagsak at kapwa sila masugatan.

Isinugod sa ospital ang ama subalit pumanaw habang ginagamot.

SAN MATEO POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with