^

Probinsiya

Bolahan ng jueteng sa Albay ni-raid: 29 katao nalambat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay , Philippines - Nabulabog ang lugar na ginagawang bolahan ng iligal na sugal na jueteng matapos i-raid ng mga pulis at mahuli ang 29 katao na sangkot sa nasabing sugal at nasamsam ang mahigit P200-libong taya sa Brgy. Sipi sa bayan ng Daraga, dito sa  noong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa presidential decree no.1602 ang mga suspek. Sa naturang bilang ay 13 sa mga suspek ang mga residente ng mga bayan ng Tiaong, Atimonan, Candelaria sa lalawigan ng ­Quezon; at isang mula sa Occidental Mindoro na pawang mga empleyado ng naturang sindikato; habang karamihan ay mga taga-bayan naman ng Daraga, Albay.

Sa mahigpit na kautusan ni Police Regional Office 5 regional director Brig. Gen. Erosito Miranda na imbestigahan at patigilin ang biglaang paglitaw sa Albay ng ilegal na sugal ay matiyagang naglunsad ng ilang araw na surveillance ang mga pulis laban sa jueteng.

Dakong alas-9:24 ng gabi, magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng Albay 2nd Police Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 5, Criminal Investigation and Detection Unit-Albay Field Unit, Regional Intelligence Division 5, at Daraga Police sa pangunguna ni chief of police Lt. Col. Edgar Azotea ang bolahan.

Nagulantang at hindi na nakatakas pa ang mga suspek makaraang i-raid ng mga pulis ang lugar na kanilang binobolahan ng jueteng.

Nabawi mula sa mga suspek ang ilang booklets na may printed na “CODE-128 collection form”; isang box ng booklets; ilang electronic calculators; yellow columnar pads na may mga nakasulat na number combinations; isang electric tambiolo na may number balls; at tayang pera na aabot sa 240-libong piso.

DARAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with