^

Probinsiya

Miyembro ng LGBT pinasok, pinatay

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang mi­yembro ng LGBT ang natagpuang patay sa loob ng bahay nito at may malaking sugat sa ulo, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, San Juan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas “Bal”, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Poblacion, San Juan, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang madiskubre ng mga kaibigan nito ang wala nang buhay na biktima na duguang nakahandusay sa loob ng bahay nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may malaking sugat sa ulo ang biktima na posibleng hinataw ng matigas na bagay.

Bago ang pagkakatagpo sa biktima, ayon sa kaibigan nito na si alyas Lino, isa ring LGBT, alas-4:37 ng hapon nang makatanggap umano siya ng mensahe mula sa isang Facebook name na “Ken Nek” na nagsabing kung alam na raw ba nito ang balitang pagpatay sa biktima.

Kinabahan umano siya kung kaya agad na nagtungo sa barangay at inireport ang nasabing mensahe.

Kasama ang pulisya, tinungo nila ang nasabing bahay at dito na natag­puan ang duguan at wala nang buhay na biktima.

LGBT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with