Binatilyo tepok sa suntok ng kelot!

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Patay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 17-anyos na binatilyo matapos na pagsusuntukin ito ng isang binata sa kanilang lugar sa Sitio Dalogdog, Purok-6, Brgy.Malama, Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi.
Tinangka pang isugod ang walang malay na biktimang si Ian, residente ng naturang lugar pero agarang nasawi habang kalaboso at nahaharap sa kasong pagpatay ang suspek na si alyas “Jose”, 24-anyos.
Sa ulat, sinabi ng nanay ng biktima dakong alas-8 ng gabi sa hindi pa malamang dahilan ay pinagsusuntok ang kanyang anak ng suspek dahilan para bumagsak sa semento.
Agarang isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital ang binatilyo pero binawian din nang buhay.
Tumakas naman ang suspek pero kinaumagahan ay sumuko sa kanilang barangay kapitan na siyang nagdala sa kanya sa Ligao Police Station.
- Latest




















