Islamic preacher todas sa ambush
COTABATO CITY , Philippines — Isang Islamic missionary ang patay nang tambangan ng armadong grupo sa pamamaril sa Midsayap, Cotabato nitong hapon Sab ado, January 10.
Sakay ng kanyang motorsiklo si Ustadz Hassim Subo nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Roosevelt Street, Barangay Poblacion 4, Midsayap, Cotabato.
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Subo gamit ang kanilang mga motorsiklo.
Si Subo ay residente ng bagong tatag na Kadayangan municipality na sakop ng Bangsamoro government, hindi kalayuan sa municipal center ng Midsayap. Siya ay guro sa isang Islamic school sa kanilang bayan, ayon sa kanyang mga kamag-anak at local executives sa Midsayap.
Iniulat nitong Sabado ni Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office 12, na nagtutulungan na ang mga barangay at municipal officials sa Midsayap, sa pangunguna ni Mayor Rolly Sacdalan, at mga imbestigador mula sa Midsayap Municipal Police Station sa pagkilala sa mga pumatay kay Subo upang masampahan ng kaukulang kaso.
- Latest



















