Rider tepok sa salpukan ng 2 motor
MANILA, Philippines — Patay ang isang rider habang sugatan ang backrider niya at rider ng nakabanggaang motorsiklo, sa naganap sa road accident sa Brgy. Tayuman, Binangonan, Rizal kahapon ng madaling araw.
Idineklarang dead-on-arrival sa Angono General Hospital ang biktimang si alyas “Fernan”, 31-anyos, habang sugatan ang angkas niyang si “John”, 26 anyos at isa pang rider na si “Roland”, 37-anyos.
Sa ulat ng Binangonan Municipal Police, ala-1:00 ng madaling araw habang binabagtas ng Honda Click ang Manila East Road sa direksyon ng Angono nang biglang kumaliwa ang Yamaha Aerox na minamaneho ni “Roland” na nasa opposite lane bunsod upang magsalpukan.
Tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo at isinugod ang dalawa sa Angono General Hospital subali idineklarang dead-on-arrival si Fernan habang nilalapatan pa ng lunas si John.
Sa Lakeview Hospital naman ginagamot ang sugatang si Roland.
- Latest















