^

Probinsiya

20 katao natabunan ng gumuhong dumpsite

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
20 katao natabunan ng gumuhong dumpsite
Mahigit 20 katao ang umano’y na-trap sa landslide sa isang dumpsite sa Brgy. Binaliw, Cebu City ngayong Huwebes ng hapon, Enero 8. Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad upang matulungan ang mga biktima na natabunan matapos na magkaroon ng landslide sa isang dumpsite sa Brgy. Binaliw, Cebu City kahapon ng hapon.
CTTO

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 20 katao ang nalibing nang buhay matapos gumuho ang isang dumpsite sa mga kabahayan sa Brgy. Binaliw, Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat, ang pa­tuloy na pag-ulan sa nakalipas na ilang araw ang dahilan upang lumambot ang lupa sa Binaliw dumpsite, na nagdulot ng pagguho ng landfill na nakaapekto sa ilang kalapit na bahay, alas-5:00 ng hapon.

Sinabi ni Cebu City Councilor Joel Gargane­ra, chairperson ng committee on environment, agad na ipinadala ang mga emergency responders, kasama ang limang ambulansya sa lugar.

Idinagdag niya na ang mga inisyal na ulat ay nagpapahiwatig na maraming mga bahay ang natamaan ng gumuhong basura.

Ayon kay Garganera, ang Binaliw ay naging open dumpsite sa halip na isang sanitary landfill.

Tatlo katao na ang nasagip at dinala sa ospital, habang patuloy pa ang isinasagawang rescue operations.

DUMPSITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with