^

Probinsiya

‘Killer’ ng babae sa megabox, sumuko

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
‘Killer’ ng babae sa megabox, sumuko
Sa report ng Calabarzon Police, ang suspect ay sumuko sa Rosario Municipal Police Station (MPS) sa Batangas at dinala sa Cabuyao City Police Station sa Laguna pasado-alas-12 ng madaling araw nitong Miyerkules.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagtatago, sumuko na sa pulisya nitong Miyerkules ang isang security guard na sinasabing responsable sa pagpatay sa isang babae na nakasilid sa isang storage box o mega­box na ibiniyahe mula Laguna saka itinapon ang labi sa isang ilog sa Brgy. Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte kama­kailan.

Sa report ng Calabarzon Police, ang suspect ay sumuko sa Rosario Municipal Police Station (MPS) sa Batangas at dinala sa Cabuyao City Police Station sa Laguna pasado-alas-12 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon kay Lt. Col. Ronie Siriban, hepe ng Rosario Police, sa tulong ng Camarines Norte Police Provincial Office Intelligence Unit, CamNorte Police Provincial Office sa pamumuno ni P/Lt. Col. Paul Cabug ay it­i­nurnover na ang suspect sa kustodya ng Cabuyao City Police kung saan naganap ang pagpatay sa biktima.

Una nang kinilala ng pulisya ang biktima na si Anelis Agocoy, 37-anyos ng Catarman, Camiguin at person of interest sa krimen ang kanyang live-in partner na si Arnel Domingo, 35, isang security guard na taga-Basud, Camarines Norte.

Magugunita na ang bangkay ng biktima na nakabalot sa kumot ay nadiskubreng nakasilid sa isang storage box na natagpuan sa ilalim ng Pinaghwarasan Bridge sa bayan ng Basud ng lalawigan noong Enero 2.

Nagawa namang matukoy ng mga imbestigador ang suspect sa pamamagitan ng bar code sa storage box na nadiskubreng binili sa isang supermarket sa Cabuyao City.

Samantala, una na ring kinumpirma ng ama ng suspect na inamin nito sa kanya ang ginawa nitong pagpatay sa kaniyang live-in partner pero hindi umano nito sinasadya matapos na maitulak ang ginang dahil binato siya nito ng bote sa gitna na rin ng kanilang pag-aaway. Ang suspect ay naka­inom umano ng alak nang mangyari ang insidente at lumilitaw na selos ang motibo ng krimen.

Magkatuwang na niresolba ng Bicol at CALA­BARZON Police ang krimen na nagpalabas ng cartographic sketch ng suspect at positibong tinukoy ng mga testigo.

CAMARINES NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with