^

Probinsiya

Bangka nagkaaberya: 61 Koreano nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Animnapu’t isang turistang Korean national ang nasagip makaraang magkaaberya ang sinasakyan nilang bangkang de motor sa ­Olango ­Island, Cebu noong ­Linggo ng hapon.

Sa report na nakara­ting sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7 mula sa Coast Guard District Central Visayas, nasiraan ng makina ang MBCA Black Pearl na may sakay ng 61 turistang Koreano.

Bunga nito ay nagpalutang-lutang sa karagatan ng San Vicente, Olango ang nasabing bangkang de motor na nagkaroon pa ng butas matapos na sumadsad ang katawan nito sa mababaw na bahagi.

Dakong alas-12:30 ng hapon nang matanggap ng mga elemento ng Coast Guard District Central Visayas ang distress call at mabilis na nagresponde sa lugar.

Agad namang nag­responde ang search and rescue team ng nasabing tanggapan dala ang limang speedboats at isang motorized banca na matagumpay na nailigtas ang naturang mga Koreano.

Ang nasagip na mga Koreano ay dinala na sa Brgy. Maribago, Lapu-­Lapu City, Cebu na agad ring isinailalim sa debriefing.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga nailigtas na dayuhan.

Nagsasagawa na rin ng masusing koordinasyon para sa pagpapauwi sa mga nasagip kabilang ang mga babalik na sa South Korea.

KOREANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with