Motor nawalan ng kontrol: Grade 7 student patay!
MANILA, Philippines — Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan ang kasamang kapwa angkas nang mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang motorsiklo sa pakurbang bahagi ng kalsada, sa Taytay, Rizal nitong Biyernes.
Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, ang nasawi ay kinilalang si alyas “Khi”, Grade 7, residente ng Barangay Dalig, Antipolo City, habang nagtamo ng mga sugat si alyas “Nasley, residente ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.
Naganap ang insidente ala-7:00 ng umaga ng Enero 1, sa Wood St., Brgy. Dolores, Taytay.
Sa imbestigasyon, sinabi ng driver ng motorsiklo na si alyas “Dennis”, 35, residente ng Brgy. Dolores, siya at ang kanyang dalawang angkas ay tumilapon nang mawalan siya ng kontrol sa manibela pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada.
Patungo umano sila Taytay proper mula sa Tikling nang maganap ang insidente.
Agad dinala sa East Avenue Medical Center ang dalawa subalit si Khi ay binawian ng buhay kinabukasan, alas-6:00 ng umaga.
Wasak naman ang Honda Click na kanilang sinakyan.
- Latest

















