22 sugatan sa grenade attack

MANILA, Philippines — Nasa 22 katao ang sugatan makaraang sumambulat ang isang granada sa gitna ng kasiyahan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Matalam, North Cotabato.
Batay sa ulat, pasado hatinggabi nitong Enero 1, 2026 at nasa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon ang mga residente ng Barangay Dalapitan sa Matalam, North Cotabao nang may maghagis ng granada.
Kinondena ni Governor Emmylou Taliño Mendoza ang naturang karahasan at agad ipinag-utos ang imbestigasyon para mahuli at mapanagot ang mga responsable.
Batay pa sa ulat, isang motorsiklo ang humarurot sa lugar bago ang pagsabog.
- Latest


















